Manila, Philippines — Inilunsad ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang bagong “Kumusta Kabayan App,” isang digital welfare monitoring system na layong mas mapabilis at mas maging direkta ang pangungumusta at pagtugon sa pangangailangan ng mga overseas Filipino workers (OFWs).
Ang inisyatibong ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang maayos na kondisyon at kaligtasan ng mga OFWs saan mang panig ng mundo.
Direktang Komunikasyon at Agarang Tulong
Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac, ang app ay ginawa upang iparamdam sa bawat OFW ang kanilang kahalagahan bilang Bagong Bayani.
“Tayo mismo ang direktang tatawag sa kanila upang mangamusta at siguraduhin ang agarang tulong sa kanilang pangangailangan,” ani Cacdac.
Ang Kumusta Kabayan App ay konektado sa DMW-OWWA electronic system na may kasamang database para sa OFW registration, membership, case management, at welfare reporting.
Mga Tampok ng App
Kabilang sa pangunahing features ang:
-
“Kumusta Kabayan” Survey – kung saan maaaring iulat ng OFW ang kanyang kalagayan sa employer, kondisyon sa trabaho at tirahan, at kung naibibigay sa oras ang kanyang sahod.
-
Hotline numbers – kabilang ang DMW-OWWA 1348 na bukas 24/7, at mga kontak ng Migrant Workers Offices at DMW Regional Offices.
-
Access sa DMW Aksyon Fund – para sa repatriation, legal, pinansyal, at reintegration assistance.
Dedicated Communication Lines
Bukod sa app, mismong DMW at OWWA ang tatawag sa OFWs gamit ang official Kumusta Kabayan numbers sa Viber at WhatsApp:
-
0929-309-9047
-
0956-225-6921
Maaari ring makipag-ugnayan ang mga OFWs sa opisyal na email: [email protected].
How to register?