Siguraduhing nakahanda ang mga sumusunod:
STEP 1
✅ Dapat ay ACTIVE ang OWWA Membership
(Ang OWWA Membership ay ACTIVE sa loob ng dalawang (2) taon simula sa araw ng pagka-renew nito.)
✅ Kapag INACTIVE na o PA-EXPIRE na sa loob ng tatlong (3) buwan ay dapat munang mag-renew ng OWWA Membership
(Maaring mag-email sa [email protected] o mag-register sa 👉 https://bit.ly/47CBm1E
para malaman ang status ng inyong OWWA membership.)
STEP 2
➡️ Mag-selfie na may puti o white na background at i-save sa inyong smartphone.
➡️ Pumirma sa malinis na puting papel at kunan ng picture ang pirma at i-save sa inyong smartphone.
STEP 3
➡️ I-scan ang QR Code upang ma-access ang online application form at makumpleto ang inyong registration:
📅 ABANGAN ANG LINK SIMULA NOVEMBER 15–18, 2025!
Pumunta Crowne Plaza Hotel, Farwaniya sa darating na December 5-6, 2025 mula 9:00 AM to 5:00 PM at December 7, 2025 sa Philippine Embassy, Sabah Al Salem mula 8:00 AM to 4:00 PM!
Tungkol sa OWWA eCard
Ang OWWA eCard ay patunay ng pagiging isang aktibong miyembro ng OWWA na idinisenyo upang mas mapadali ang pag-access sa mga Programa at Serbisyo ng OWWA.
Ito rin ay kinikilala bilang isang government-issued ID at maaaring ipakita sa alinmang Migrant Workers Office (MWO), embahada, o konsulado sa ibang bansa kapag kinakailangan ng tulong o serbisyo.
Ito ay nagsisilbing opisyal na pagkakakilanlan at nagbibigay ng access sa mga benepisyo at serbisyo ng OWWA, kabilang ang mga welfare programs, reintegration initiatives, at training opportunities.






