Naglaan ang pamahalaan ng mahigit P2.3 bilyong pondo upang matiyak ang agarang tulong at repatriation ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sakaling lumala pa ang tensyon sa Middle East.
Ayon sa mga opisyal, may potensyal na lumaki pa ang kasalukuyang sitwasyon sa rehiyon kaya patuloy na nakaantabay ang gobyerno upang protektahan ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.
Sinusuportahan din ng mga opisyal ang hakbang ng House Chairperson on Foreign Affairs na tiyaking mabibigyan ng pagkakataong makauwi ang mga OFW na nais nang umuwi sa Pilipinas.
Pondo para sa Repatriation
Naglaan ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ng pondo para sa agarang pagtulong sa mga OFW:
-
P800 milyon mula sa Department of Migrant Workers (DMW)
-
P500 milyon karagdagang pondo mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Action Fund
-
Kabuuang P1.3 bilyon mula sa DMW at OWA
-
P1 bilyon naman ang nakalaan mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) para sa repatriation
Mga Tulong para sa Uuwi na OFWs
Bukod sa repatriation, makakatanggap din ng inisyál na financial assistance ang mga OFW na uuwi sa bansa. Ayon sa DMW, maaaring makatanggap ang bawat OFW ng P15,000 hanggang P25,000 bilang panimulang tulong.
Nakaantabay rin ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang tumulong sa reintegration ng mga uuwi na OFW, kabilang ang:
-
Department of Labor and Employment (DOLE)
-
Department of Social Welfare and Development (DSWD)
Patuloy namang hinihikayat ng pamahalaan ang mga OFW na manatiling nakikipag-ugnayan sa Philippine embassies at consulates sa kanilang bansa para sa agarang impormasyon at tulong kung kinakailangan.
Watch the video here





