OWWA Education for Development Scholarship Program & Congressional Migrant Workers Scholarship Program
Application Period: November 10 to November 28, 2025
Ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay muling tumatanggap ng aplikasyon para sa dalawang pangunahing scholarship programs na nakatuon para sa mga anak at kapatid ng mga aktibong OWWA members. Ang mga programang ito ay layuning makatulong sa mga incoming college students na nais makapagpatuloy ng kanilang pag-aaral sa Pilipinas.
1. Education for Development Scholarship Program (EDSP)
Para sa Incoming College Students
Sino ang Puwede Mag-Apply?
-
Anak ng isang active OWWA member, o
-
Kapatid ng OWWA member kung ang member ay single (may asawa pero walang anak ay kasama rin)
Qualifications:
-
Single
-
Hindi lalampas sa 21 taong gulang sa araw ng aplikasyon
-
Dapat ay Grade 12 graduating student
-
May GWA na hindi bababa sa 85% o equivalent
-
Walang bagsak na grado
-
Handa at willing mag-aral sa mga Philippine-based colleges/universities
Ano ang Makukuha ng Scholar?
-
Php 60,000.00 financial assistance bawat taon
Initial Requirements:
-
Proof of Identity
-
Para sa OFW: Kopya ng valid passport (bio o info page)
-
Para sa dependent: Valid School ID o kahit anong valid ID, at Birth Certificate o Baptismal Certificate
-
-
Proof of Grades mula sa nakaraang school year
(Form 137, Form 10/TOR, Form 138 Report Card, o Certificate of Grades) -
2×2 ID Picture (white background, may name tag at signature)
Note: Maaring tanggapin pansamantala ang mga marka mula sa SY 2024-2025 o SY 2023-2024 para sa initial na submission. Ang final requirements ay isusumite kapag nakatanggap na ng kumpirmasyon mula sa OWWA RWO.
2. Congressional Migrant Workers Scholarship Program (CMWSP)
Para rin sa Incoming College Students
Sino ang Puwede Mag-Apply?
-
Mismong OFW, o
-
Anak ng active OWWA member, o
-
Kapatid ng OWWA member (single o may asawa pero walang anak, at hindi lalampas sa 21 taong gulang)
Qualifications:
-
Single
-
Hindi dapat higit sa 21 taong gulang sa araw ng aplikasyon
-
Family income ay hindi lalampas sa USD 2,400 o equivalent
-
May GWA na hindi bababa sa 80%
-
Walang failing grade
-
Kukuha ng Science and Technology courses (ayon sa listahan ng DOST)
-
Handa at willing mag-aral sa mga Philippine-based colleges/universities
Ano ang Makukuha ng Scholar?
-
Php 60,000.00 annual education assistance
Initial Requirements:
(Katulad ng EDSP requirements)
Saan at Kailan Mag-Apply?
-
Apply Online: https://scholarship.owwa.gov.ph
-
Application Period: Mula November 10 hanggang November 28, 2025
Mahalaga para sa Mga May Balak Mag-Apply
Maipapayo na ihanda nang maaga ang mga dokumento, siguraduhing updated ang OWWA membership ng magulang/kapatid, at i-check ang mga grade records para makaiwas sa delay ng evaluation.






