Mga Kailangan Para Makapag-Register sa OWWA E-Card Kuwait

Mga Kailangan Para Makapag-Register sa OWWA E-Card Kuwait

Bago magparehistro, tiyaking ACTIVE ang inyong OWWA Membership.
➡ Ang membership ay valid sa loob ng 2 taon mula sa petsa ng huling renewal.

Kung INACTIVE na o pa-expire na sa loob ng 3 buwan, kailangang mag-renew muna ng OWWA Membership.
📩 Maaari kayong mag-email sa [email protected]
📌 O mag-register dito: https://bit.ly/47CBm1E
para malaman ang status ng inyong membership.


📋 Siguraduhing Tama at Kumpleto ang mga Detalyeng Ito:

  • Full Name

  • Birthday

  • Active Email Address

  • Contact Number sa Pilipinas

  • Emergency Contact Name

  • Address

  • Signature

  • Photo with White Background


🖱 Paano Mag-Register?

Bukas na muli ang OWWA E-Card Registration, kaya hinihikayat namin kayong magparehistro habang may slots pa!

I-scan lang ang QR code or bumisita dito https://kuwaitecard.owwa.gov.ph/.
✅ Tandaan: Unang 2,000 applicants lamang ang tatanggapin, first come, first served.
✅ Ang inyong appointment schedule ay ipapadala sa email—siguraduhing tama at aktibo ang inyong contact details.


Sa araw ng appointment, huwag kalimutang dalhin ang inyong valid passport o Civil ID para sa identity verification.

Agad nang mag-register at siguraduhin ang inyong slot habang bukas pa ang aplikasyon!


ℹ️ Tungkol sa OWWA eCard

Ang OWWA eCard ay opisyal na patunay ng pagiging aktibong OWWA member.
✔ Mas mabilis na pag-access sa mga programa at serbisyo ng OWWA
✔ Kinikilalang government-issued ID
✔ Maaaring gamitin sa MWO, embahada, o konsulado para sa anumang tulong o serbisyo

Video Guidelines

 

Related Posts

What Can You Say About This?

Comments

2 Comments

  1. mayla dilasa
    November 17, 2025
  2. Sheila Gonzales
    December 6, 2025

Add Comment