Isang malaking pagbabago ang unti-unting nararamdaman ng libu-libong Overseas Filipino Workers (OFWs) matapos palitan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang dating Overseas Employment Certificate (OEC) ng mas modernong OFW Pass. Sa ngayon, mahigit 405,000 OFWs na ang nakinabang sa mas mabilis, digital, at mas maaasahang sistemang ito ayun sa Department of Migrant Workers.
Ano ang OFW Pass?
Ang OFW Pass ay isang digital travel exit clearance na pumapalit sa OEC. Makikita ito sa eGovPH App, at awtomatikong nagva-validate kung may active contract ka sa rekord ng DMW. Layunin nitong gawing mas madali ang pagproseso ng papeles ng mga OFW, lalo na ang mga Balik-Manggagawa.
Paano Ito Kuhanin?
Napakasimple ng proseso—wala nang pila at wala nang kailangang i-print:
-
I-download ang eGovPH App
Available ito sa App Store at Google Play.

-
Kumpletuhin ang ID Verification
Siguraduhing tama ang iyong personal details para maiwasan ang delay sa paglabas ng Pass.

-
Pumunta sa “NGA” Section
I-scroll pataas hanggang makita ang DMW sa listahan ng National Government Agencies. -
I-access ang Balik-Manggagawa Service
Kung may active contract ka, awtomatikong magge-generate ang iyong OFW Pass.

Color Codes na Dapat Bantayan
Para mas madali mong malaman ang validity ng iyong Pass, gumamit ang DMW ng malinaw na color indicators sa app:
-
GRAY – Hindi pa generated o voided
-
GREEN – Active
-
BLUE – Used
-
AMBER – Malapit nang mag-expire
-
RED – Expired

Ang color coding na ito ay tumutulong para hindi ka mabigla sa airport o sa oras ng biyahe—isang malaking tulong lalo na sa mga OFWs na tight ang schedule.
Bakit Mas Maganda ang OFW Pass Kumpara sa OEC?
Ang dating OEC ay madalas kritikal sa oras, puno ng requirements, at kailangan pang i-print. Sa bagong OFW Pass:
-
Digital na lahat – Nasa phone mo na ang travel clearance.
-
Mabilis ang verification – Automatic kung active ang contract mo.
-
Mas user-friendly – Wala nang pila at manual checking.
-
Real-time status update – Makikita agad kung valid pa ang Pass mo.
Ang transition na ito ay malaking hakbang patungo sa full digitalization ng DMW, na naglalayong bawasan ang abala at gastos ng bawat Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.
Isang Modernong Sistema Para sa Modernong OFW
Sa paglabas ng OFW Pass, kinikilala ng gobyerno ang pangangailangan ng isang mas mabilis at episyenteng sistema para sa mga Pilipinong lumalaban sa ibang bansa. Ang move na ito ay hindi lang simpleng teknikal na upgrade—isa itong malinaw na mensahe na ang ating mga Bagong Bayani ay nararapat sa serbisyo na mas maayos at mas in step sa modernong panahon.
Isang mahalagagang PAALALA : Secure niyo pa rin ang inyong OEC, Marami pa rin ang mga kababayan na hinahanapan niyo.





