Isinusulong ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mas pinalawak na serbisyong pangkalusugan para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang pamilya sa pamamagitan ng YAKAP Program, na nag-aalok ng LIBRENG cancer screening tests — ngunit mahalagang tandaan na ito ay by referral lamang.
Paano makaka-avail ng libreng cancer screening?
Hindi maaaring dumiretso ang benepisyaryo sa screening facility. Kinakailangang dumaan muna sa isang YAKAP-accredited clinic upang sumailalim sa medical assessment.
Ang proseso ay simple:
-
Magpa-register at magpa-check up sa YAKAP-accredited clinic
-
Sumailalim sa medical assessment ng doktor
-
Makakuha ng opisyal na referral para sa cancer screening
-
Pagkatapos lamang nito maaaring magtungo sa screening facility
Isa sa mga maaaring lapitan ay ang YAKAP-accredited clinic sa OWWA Central Office.
Mahahalagang Paalala
📌 Walang cash out — sagot ng programa ang serbisyo
📌 Hindi pinapayagang dumiretso sa screening facility
📌 Medical assessment at referral ng doktor ay required
Nilalayon ng sistemang ito na masigurong ang bawat screening ay tamang-tama, ligtas, at naaayon sa pangangailangan ng pasyente.
Alagang OWWA: YAKAP at GAMOT
Bukod sa cancer screening, bukas din ang Alagang OWWA YAKAP at GAMOT Program para sa:
-
LIBRENG medical consultation
-
LIBRENG gamot, kung kinakailangan
🕗 Schedule:
Lunes hanggang Biyernes
8:00 AM – 5:00 PM


Ang serbisyong ito ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng OWWA na ilapit ang de-kalidad na serbisyong pangkalusugan sa mga OFWs at kanilang pamilya — dahil ang tunay na alaga, ramdam sa gawa.
💙 Para sa mas malinaw na impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa OWWA o sa pinakamalapit na YAKAP-accredited clinic.





