Ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay nagbibigay ng mahalagang proteksyon at tulong sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs). Sa halagang US$25 lamang, makakakuha ka ng access sa iba’t ibang programa at benepisyo na makatutulong sa iyo at sa iyong pamilya.
Ano ang Makukuha ng Isang Active OWWA Member?
Kapag active ang iyong OWWA membership, maaari kang makinabang sa mga sumusunod:
-
Social Benefits – tulong sa oras ng pangangailangan
-
Education & Training – scholarship at skills training
-
Reintegration Programs – tulong sa pagbabalik at pagnenegosyo sa Pilipinas
-
Repatriation Assistance – agarang tulong sa emergency situations
Mga Requirements sa Pag-apply o Pag-renew ng OWWA
Para sa New Enrollees at Renewal
Siguraduhing kumpleto ang mga sumusunod:
-
Valid employment contract
-
Valid work permit o work visa
-
Photocopy ng passport page na may larawan at personal details
Kung Renewal ay Ipoproseso ng Next-of-Kin
Dagdag na requirements:
-
Authorization letter mula sa OFW
-
Valid ID ng Next-of-Kin
Voluntary OWWA Membership
Para sa mga OFW na walang standard employment contract, maaaring mag-apply sa ilalim ng Voluntary Membership. Bukod sa OFW Membership Form at passport copy, kailangan ng kahit isa sa mga sumusunod:
-
Residence or Work Permit
-
Proof of contribution sa social security ng host country
-
Payslip
-
Certificate of Employment
-
Iba pang patunay ng patuloy na trabaho sa abroad
Saan Maaaring Mag-apply o Mag-renew?
Puwedeng mag-apply o mag-renew ng OWWA membership sa:
-
17 Regional Offices sa Pilipinas
-
35 Overseas OWWA Posts sa iba’t ibang bansa

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.owwa.gov.ph o tumawag sa OWWA Hotline 1348.





