Patuloy ang pamahalaan sa pag-alalay sa ating mga kababayang OFWs sa Kuwait.
Sa linggong ito, kabuuang 389 OFWs at kanilang mga dependent ang ligtas na mapapauwi mula Kuwait. Kabilang dito ang 99 ngayong araw, 99 bukas, at 191 sa Huwebes.
Sa gitna ng limitadong flights at saradong airspace, maingat na inaasikaso ang kanilang paglalakbay sa pamamagitan ng pagdaan mula Kuwait patungong Saudi Arabia upang matiyak na makakasakay sila sa kanilang mga flight pauwi ng Pilipinas.
Pagsapit ng katapusan ng linggo, inaasahang aabot sa 530 Pilipino ang kabuuang bilang ng mga mapapauwi mula Kuwait.
Pagdating sa Pilipinas, nakaantabay ang pamahalaan upang tiyakin ang kanilang ligtas at maayos na pagbabalik. Kabilang sa mga inihandang tulong ang:
- Financial assistance at suporta sa kabuhayan
- Libreng transportasyon pauwi sa probinsya
- Pansamantalang matutuluyan kung kinakailangan
- Medikal at health support
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kumikilos ang buong pamahalaan sa ilalim ng One Country Team Approach upang maihatid ang agarang tulong sa mga OFW at kanilang pamilya.
Kasama sa tuloy-tuloy na operasyon ang Philippine Embassy in Kuwait, Philippine Embassy in Riyadh, mga MWO-OWWA teams, at OWWA Rapid Response Teams, na sama-samang nagbabantay at umaalalay sa bawat yugto ng pag-uwi ng ating mga kababayan.
Kahit ngayong Semana Santa, nagpapatuloy ang serbisyo. Walang pahinga ang malasakit at pag-aalaga para sa OFW.
𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗚𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚:
OWWA Hotline: 1348
MWO-OWWA Kuwait: +965 6040 3858 / +965 6558 5355
Email: [email protected]
Repatriation portal: repatriation.owwa.gov.ph





