OWWA E-Card x Nike Alert! OFWs Get Exclusive Discounts at Nike Stores in the Philippines

Manila, Philippines — Magandang balita para sa lahat ng aktibong miyembro ng OWWA! Simula Agosto 1 hanggang Disyembre 31, 2025, ang iyong OWWA OFW E-card — pisikal man o digital — ay maaari nang gamitin para sa eksklusibong diskwento sa mga piling Nike Stores sa buong bansa.

Sa pakikipagtulungan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Green Tee, Inc. — ang opisyal na operator ng maraming Nike stores sa Pilipinas — layunin ng programang ito na bigyang pagkilala at gantimpala ang mga OFW sa kanilang walang sawang pagsusumikap para sa kanilang pamilya at sa bayan.

Paano Mag-Avail ng Discount:

Sino ang maaaring makakuha?
Lahat ng aktibong miyembro ng OWWA na may valid OFW E-card (physical o digital copy)

Credit to OWWA

Saan maaaring gamitin?
Sa lahat ng participating Nike branches na pinapatakbo ng Green Tee, Inc. sa Pilipinas

Credit to OWWA

Ano ang discount?
Diskwento sa selected regular-priced items (Tingnan sa store para sa listahan)

Kailan?
Mula August 1, 2025 hanggang December 31, 2025 lamang

Credit to OWWA

OWWA: Serbisyong Totoo para sa OFW

Ayon sa OWWA, ang programang ito ay bahagi ng mas malawak na inisyatibo na maghatid ng dagdag na benepisyo sa mga miyembrong OFWs — hindi lamang sa panahon ng krisis, kundi pati na rin sa mga simpleng bagay na makapagpapasaya sa kanila.

“Deserve ng bawat OFW na pasayahin at alagaan. Sa pakikipagtulungan namin sa Nike Philippines at Green Tee, Inc., maipaparamdam namin ang suporta at pagmamalasakit kahit sa simpleng paraan,” pahayag ng OWWA representative.

Reminder sa mga OFW:

Kung wala ka pang OWWA E-card, maaari lamang na tingnan ang OWWA official page para sa mga impormasyon. O kaya’y magtungo sa pinakamalapit na Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa iyong host country.


Related Posts

What Can You Say About This?

Comments

Add Comment