DMW Muling Pinagtibay ang Suporta sa OFW Spouses na Solo Parents

DMW Muling Pinagtibay ang Suporta sa OFW Spouses na Solo Parents

Pinagtibay ng Department of Migrant Workers (DMW) ang kanilang suporta sa mga asawa at pamilya ng OFWs na tinuturing na solo parents sa ilalim ng Expanded Solo Parents Welfare Act (RA 11861), alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang kapakanan ng bawat pamilyang OFW.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, kinikilala ng batas ang realidad na maraming OFW spouses ang solong nagpapalaki at nagbibigay-alaga sa kanilang mga anak habang nasa abroad ang kanilang mahal sa buhay. Tiniyak din niya na patuloy na gagawa ang DMW ng mas inklusibo at makataong mga serbisyo para sa kanila.

Giit ng DSWD, awtomatikong kwalipikado bilang solo parent ang asawa o miyembro ng pamilya ng isang OFW na nasa low o semi-skilled occupation at tuloy-tuloy nang nagtatrabaho abroad nang hindi bababa sa isang taon.

Sa ilalim ng RA11861, maaaring makatanggap ang kwalipikadong solo parents ng:
₱1,000 monthly subsidy
Automatic PhilHealth coverage
Educational at livelihood programs
Tax exemptions para sa childcare needs (0–6 years old)

Paalaala: Kailangang kumuha ng Solo Parent ID mula sa LGU at i-renew taon-taon upang ma-avail ang mga benepisyo.

Dagdag pa rito, inilabas ng DMW ang Department Order No. 08 s. 2024, na tinitiyak ang access ng OFW solo parents sa welfare assistance, reintegration programs, livelihood at skills training, counseling, psychosocial support, at financial literacy.

Source PNA

Related Posts

What Can You Say About This?

Comments

Add Comment