Mula 56,768 OFWs noong 2024, umabot sa 344,165 OFWs noong 2025 ang nabigyan ng OWWA e-Card, katumbas ng 506% na pagtaas sa loob lamang ng isang taon. Ipinapakita ng datos na ito ang patuloy na tiwala ng mga Overseas Filipino Workers sa OWWA at ang matagumpay na pagpapalawak ng mga serbisyong inilalapit sa kanila—sa loob man o labas ng bansa.
Ang makasaysayang pagtaas na ito ay bunga ng mas pinadaling proseso ng e-Card issuance, mas pinaigting na information campaign, at mas accessible na OWWA offices at overseas posts. Sa pamamagitan ng OWWA e-Card, mas nagiging mabilis at episyente ang pag-access ng mga OFW sa tulong, programa, at benepisyong nararapat sa kanila bilang active OWWA members.
Pasasalamat sa mga OFW
Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot sa lahat ng kababayang OFW na patuloy na nagtitiwala at nagpapa-active ng kanilang OWWA membership. Dahil sa inyong partisipasyon, patuloy na lumalawak at lumalalim ang kakayahan ng OWWA na maghatid ng makabuluhang serbisyo at proteksyon sa bawat manggagawang Pilipino.
Higit Pa sa ID: Isang Susing Benepisyo
Hindi lamang isang identification card ang OWWA e-Card. Ito ay susì sa mga benepisyo tulad ng:
-
access sa OWWA programs at assistance,
-
mas mabilis na transaksyon sa OWWA offices,
-
at mahigit 200 partnerships worldwide na nag-aalok ng discounts at perks para sa mga OFW na may active OWWA membership o e-Card.
Saan Maaaring Kumuha ng OWWA e-Card
Maaaring mag-avail ng OWWA e-Card sa mga sumusunod na lugar:
Sa Pilipinas:
-
OFW Lounges – NAIA Terminal 1 at Terminal 3 (open 24/7)
-
OWWA Center Building, FB Harrison St., Pasay City
-
OWWA NCR Regional Office, Sen. Gil Puyat Ave., Pasay City
Sa OWWA Overseas Posts:
-
Kuwait
-
Abu Dhabi, UAE
-
Dubai, UAE
-
Al Khobar, KSA
-
Jeddah, KSA
-
Riyadh, KSA
-
Qatar
-
Hong Kong
-
Singapore
-
Bahrain
-
Milan, Italy
-
Rome, Italy
-
Austria
Paalala sa mga OFW
Kung wala ka pa, magpa-active na ng iyong OWWA membership at mag-avail ng OWWA e-Card. Ang pagiging handa at rehistrado ay mahalagang hakbang upang masiguro ang proteksyon at benepisyong nakalaan para sa iyo.
📌 Alamin ang buong detalye ng benepisyo ng OWWA e-Card:
👉 https://ecard.owwa.gov.ph/





