Sen. Raffy Tulfo Dumalo sa Pagdiriwang ng National Day at Liberation Day ng State of Kuwait

Dumalo si Raffy Tulfo, Chairperson ng Senate Committee on Migrant Workers, kasama ang kanyang maybahay na si Jocelyn Tulfo, Vice Chairperson ng House of Representatives Committee on Overseas Workers Affairs, sa pagdiriwang ng 65th National Day at 35th Liberation Day ng State of Kuwait na ginanap sa Shangri-La The Fort kahapon, Pebrero 9.

Image from Raffy Tulfo

Matatandaang inimbitahan si Sen. Tulfo ni Meshari Yousef Muhammad Alnibari, Ambassador ng State of Kuwait sa Pilipinas, upang dumalo sa espesyal na selebrasyong ito matapos ang isinagawang courtesy visit ng embahador sa tanggapan ng senador sa Senado noong Pebrero 2.

Dumalo rin sa pagtitipon ang ilang mga kinatawan ng iba’t ibang bansa sa Gitnang Silangan, kabilang sina Mohammed Issam El-Debs, Consul General ng Syrian Arab Republic; Mounir Y.K. Anastas, Ambassador ng State of Palestine sa Pilipinas; Mohamed Obaid Salem Al Zaabi, Ambassador ng United Arab Emirates; at Dato’ Abdul Malik Melvin Castelino bin Anthony, Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary ng Malaysia sa Pilipinas—na personal ding nakasalamuha ni Sen. Tulfo sa nasabing okasyon.

Image from Raffy Tulfo

Sa naturang pagtitipon,  napag-usapan  ang kalagayan ng ating mga kababayang OFWs sa Kuwait.

Related Posts

What Can You Say About This?

Comments

Add Comment