Bagong Residency Law ng Kuwait, Epektibo na: Mas Mataas na Bayarin sa Iqama, Visit Visa at Health Insurance

KUWAIT – Pormal nang ipinatupad ngayong Martes ang bagong residency law ng Kuwait na nagdadala ng mas mataas na bayarin para sa residency permits (iqama), visit visas, at health insurance ng mga expatriates.

Sa ilalim ng bagong patakaran, doble na ang annual residency fee (iqama) mula KD 10 ay naging KD 20 kada taon. Samantala, ang lahat ng uri ng visit visa ay may bayaring KD 10 kada buwan.

Tumaas din ang bayad para sa mga dependent na hindi asawa o anak, gaya ng mga magulang. Mula sa dating KD 200, ang bagong annual fee ay KD 300 kada tao. Para naman sa mga asawa at anak, ang residency fee ay itinakda sa KD 20 kada taon.

Kasabay nito, itinaas din ang health insurance fee sa KD 100 kada taon, at nilinaw ng gobyerno na hindi mag-iisyu ng residency permit kung walang valid health insurance policy.

Para naman sa mga entry visas para sa trabaho, pamilya, pag-aaral, negosyo, o investment, may nakatakdang KD 10 na bayad bawat aplikasyon.

Pinagtibay rin ng bagong batas ang KD 800 minimum monthly salary requirement para sa mga gustong magsponsor ng kanilang pamilya, bagama’t may ilang exemptions sa piling kaso.

Mayroon ding bagong KD 50 annual fee para sa pag-renew ng residency ng mga domestic helpers ng mga expatriate families.

Sa ilalim ng bagong by-laws, ang visit visa ay maaari nang i-extend ng isang beses para sa kaparehong haba ng pananatili, at sa ilang sitwasyon ay maaari itong i-convert sa residency visa. Bukod dito, pinalawig sa apat na buwan ang palugit para makakuha ng residency ang mga newborn babies sa Kuwait.

Pinapayuhan ang mga expatriates, lalo na ang mga OFW, na maging updated sa bagong bayarin at requirements upang maiwasan ang abala at dagdag gastos sa kanilang residency status.

Related Posts

What Can You Say About This?

Comments

Add Comment