Civil Id Gang in Kuwait

Kung nasa kuwait ka napakahalaga ang CIVIL ID sabi nga nila mawala lang lahat wag lang ang CIVIL ID. Kahit nga bata kailangan magkaroon kaagad ng civil id.

Kita ko lang ang post na eton muna sa kabayaninkuwait at nagbibigay ng paalala or pagbibigay babala sa mga OFW sa kuwait.

Basahin po sa baba kung bakit? at Bakit Civil ID Gang.

 

“Marami ng nabiktimang mga kabayan natin ang Civil Id Gang, minsan, andiyan lamang sila sa facebook inaabangan mga nag po post ng mga tuwang-tuwang kabayan na may Civil Id na sila, at mabilis nilang nakukuha ang mga impormasyon, minsan ang mga nabibiktima iyong mga nagbibigay ng kahit numero lamang ng civil id nila, at sa pamamagitan nito ay nakakuha na sila ng mga gadget at mga kasangkapan mula sa kilalang mga shop na nagbebenta ng pahulugan at si kawawang kabayan ay magugulat na lamang siya ay naka travel banned at may malaking bayarin, nakaawa po ngyari sa aking kaibigan at kamag-anak na pauwi na sana pero napag-alaman na naka-travel banned at ang halagang bayarin ng bawat isa ay 400kd mahigit, ang malupit pa dito siya ay nakulong, kaya sana ay makapag-bigay kayo ng babala sa mga kabayan nating mga nag-po post po ng kani-kanilang Civil Id, kundi nila ito maiwasan maari ay kanilang burahin ang numero at iba pang impormasyon” ani ni Mayet.”
 
 

Maari po share niyo nalang at kung may iba rin kayong karanasan sa civil id niyo contact niyo lang kami para na rin ma eshare natin sa kapwa nating kababayan sa kuwait.

Via :  kabayaninkuwait

Loading...

Related Posts

What Can You Say About This?

Comments

Add Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.