Paano Kumuha Ng National ID sa Kuwait?

Pwede na mag–Pre-Register para sa Philippine National ID!

Magandang balita para sa ating mga kababayan sa Kuwait! 🇰🇼
Kasama na po ngayon ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa Caravan ng Bagong Bayani ng Mundo – OFW Serbisyo sa Kuwait, upang gawing mas madali at mas mabilis para sa mga OFW ang proseso ng Philippine National ID (PhilSys) registration.

Paano Mag-Pre Register?

Upang maiwasan ang mahabang pila at bilis ng proseso, hinihikayat ang lahat na mag–Pre Registration muna.

👉 I-click o i-scan ang QR code / link dito:
https://tinyurl.com/NIDKuwait

Pagkatapos makumpleto ang form, maaari na kayong pumunta sa mismong caravan para sa biometric capture at final validation.

Sino ang Pwedeng Magpa-Register?

✔️ OFWs 
✔️ Family members na nasa Kuwait
✔️ First-time registrants
✔️ Kahit may lumang PhilID (for updating)

Ano ang Dapat Dalhin?

  • Valid Philippine ID, kung meron

  • Birth Certificate, kung available

  • Passport or Civil ID ( Copy )

  • Antayin ang email verification.

Kung kulang man, tutulungan kayo ng PSA Team sa on-site verification.

Magpunta lamang sa

BAGONG BAYANI NG MUNDO
SERBISYO CARAVAN

DECEMBER 5–6, 2025
9:00 AM – 5:00 PM

📍 Crowne Plaza Hotel, Farwaniya, Kuwait

DECEMBER 7, 2025
8:00 AM – 5:00 PM

📍 Philippine Embassy, Sabah Al Salem, Kuwait

Magsama-sama tayo sa Caravan ng Bagong Bayani ng Mundo – at magpa-National ID na!

Related Posts

What Can You Say About This?

Comments

Add Comment