OFWs, Pinag-iingat sa Umano’y Nakawan sa Loob ng Eroplano

 PILIPINAS — Naglabas ng babala ang Department of Migrant Workers (DMW) at iba pang aviation groups sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) kaugnay ng mga naiulat na insidente ng umano’y pagnanakaw sa loob mismo ng eroplano habang nasa biyahe.

Ayon sa mga awtoridad, may ilang pasahero ang sinasabing gumagamit ng iba’t ibang modus upang makapagnakaw ng mahahalagang gamit. Kabilang dito ang pang-aabala sa kapwa pasahero, pagpapanggap na tutulong, at mabilisang pagsalisi upang makuha ang mga gamit tulad ng cash, credit card, pasaporte, at gadgets.

Binigyang-diin ng DMW na dapat maging mas maingat at mapagmatyag ang mga OFW, lalo na sa panahon ng biyahe kung saan posibleng samantalahin ng mga salarin ang pagkakataon na may mga gamit na naiiwang walang bantay.

Mga Paalala sa mga Biyahero:

  • Huwag iwanang walang bantay ang mga personal na gamit
  • Ilagay sa hand-carry o malapit sa sarili ang mahahalagang bagay
  • Panatilihing naka-secure ang mga bag at pouch
  • Maging mapagmasid sa paligid at sa mga kahina-hinalang kilos
  • Agad i-report sa cabin crew ang anumang insidente o kahina-hinalang gawain

Hinihikayat din ang mga airline at airport authorities na paigtingin ang pagbabantay at koordinasyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

Samantala, muling pinaalalahanan ang mga OFW na ang kanilang kaligtasan at pinaghirapang kita ay dapat laging pinangangalagaan, saan man sila naroroon.

“Mag-ingat, laging alerto,” paalala ng DMW.

Related Posts

What Can You Say About This?

Comments

Add Comment