OWWA Negosyo Fund, Bukas Para sa mga OFW at Kanilang Pamilya

Nagbigay ng panibagong pag-asa ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) at Small Business Corporation (SB Corp), sa paglulunsad ng OFW Negosyo Fund — isang programang pautang na layuning matulungan ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang pamilya na makapagsimula at makapagpalago ng sariling negosyo sa Pilipinas.

Sa ilalim ng programa, maaaring makahiram ang mga aplikante ng halagang mula ₱30,000 hanggang ₱300,000 para sa mga start-up business, habang ang mga umiiral na Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) ay maaaring makahiram ng hanggang ₱20 milyon.

Naglunsad ng OFW Negosyo Fund; Hanggang P20-M Loan Para sa OFWs

Ayon sa inilabas na impormasyon, mababa lamang ang interes na 1% kada buwan batay sa diminishing balance, at may flexible payment terms na hanggang limang taon. Mayroon ding grace period upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga benepisyaryo bago magsimulang magbayad.

Kabilang sa mga maaaring mag-apply ay:

  • Mga OFW
  • Pamilya ng OFW
  • OFW-owned MSMEs
  • Mga bagong rehistrado o kasalukuyang negosyo

Ilan naman sa pangunahing requirements ay government-issued ID, mayor’s business permit, proof of bank account, at corporate documents kung kinakailangan.

Layunin ng OFW Negosyo Fund na mabigyan ng mas matatag na kabuhayan ang mga OFW at kanilang pamilya, habang hinihikayat ang pagnenegosyo bilang pangmatagalang pagkakakitaan pagbalik sa bansa.

Para sa mga interesadong mag-apply, maaaring bisitahin ang official website at online platforms ng SB Corp para sa kumpletong detalye ng programa.

Madali lamang ang proseso ng pag-aapply:

1. Kumpletuhin ang basic requirements;

2. I-download ang DTI SB Corp Money App sa Google Play o Huawei AppGallery, o bisitahin ang web app sa app.sbcorp.ph 

Related Posts

What Can You Say About This?

Comments

Add Comment